PAGBABALIK-TANAW SA LARONG PINOY – LARONG PINOY


3613692


PANIMULA/KALIGIRAN

Ang Larong Pinoy ay tinatawag ding Laro ng Lahi. Ito ay mahalagang simbolo ng ating pagiging Pilipino. Ito ang pagkakakilanlan ng isang pagkatao at pagkabansa. Dito unang nalinang ang ating pakikipagkapwa, natutong mag-isip at gumawa ng desisyon na alam nating makakabuti para sa atin.

Ang sagot sa ilang problemang paglalaho ng kulturang Pilipino ay ang paggunita at aktong paggawa ng mga ito. Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya ay umunti na ang naglalaro ng mga larong pinoy. Ang katutubong laro ay maituturing na palatandaan ng isang lahi, kung kaya’t dapat na balikan, pangalagaan sa pamamagitan ng aktong paglalaro.


MUNGKAHING TITULO     

   ” Halina’t ating balikan, ang ating nakagisnan! “

blogspot header

           Ito ang napili naming pamagat sa aming adbokasiya dahil gusto naming ipaalala sa mga kabataan ang mga larong pinoy. Bukod dito, nais ng aming grupo na mas mapagtuunan ng pansin ng mga kabataang Pinoy ang larong ito kaysa sa mga makabagong teknolohiya ngayon.


RASYUNAL 

          Napili ang paksang ito dahil isa ito sa mga kapansin-pansing isyu sa ating lipunan na nais naming mabigyan ng pansin. Nagkaroon kami ng ideya tungkol dito dahil mapapansin NOON na larong pisikal ang kinagigiliwan ng mga kabataan. Samantalang NGAYON, halos hindi na nga sila makaalis sa harap ng kompyuter.

 MITHIIN

Dahil sa unti-unting pagkawala ng larong pinoy, nais ng aming grupo na manumbalik sa isipan ng mga kabataan ngayon ang mga larong pinoy at kahit patuloy na umuusbong ang mga makabagong teknolohiya ay hindi pa rin nawawala ang mga larong pinoy dahil bahagi na ito ng ating kultura.

LAYUNIN

Layunin ng konseptong papel na tangkilikin ng mga mambabasa ang larong pinoy. Dito namin ipapakita ang mga kahalagahan nito at maging ang mga epekto nito sa atin.


DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA

  1. Bilang pagbabalik-tanaw, bibigyang impormasyon muna namin ang mga mambabasa tungkol sa larong pinoy sa pamamagitan ng pagpapakahulugan gayon na din ang mga pakinabang nito.
  2. Ilalarawan ang umiiral na isyu.

270848_489561437727304_645094668_n1            download (2)

                      NOON                                                               NGAYON

3. Magsasagawa kami ng sarbey kung karamihan sa mga kabataan ngayon ay tunay ngang mas humaling na sa makabagong teknolohiya kaysa sa larong pinoy. Base sa aming pamagat ay gagawa kami ng makabuluhang tanong. Makikita rin sa aming sarbey ang mga napiling respondents.

4. Pang-eengganyo at pagpapaalala sa mga kabataan na mas kasiya-siya pa ring maglaro nito kaysa sa paglalaro ng mga computer games. Isasagawa namin ito sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon tungkol sa mga kabutihang dulot nito.

5. Paglalahat ng ginawang sarbey at ang magiging resulta nito ang aming magiging basehan.


BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA

Inaasahan ng aming grupo na makakamit namin ang aming inaasahang resulta na tangkilikin pa rin ng mga kabataan ang mga larong pinoy base sa aming ginawang adbokasiya. Ang mga sangkot sa usaping ito ay ang mga kabataan na nalululong sa mga makabagong teknolohiya imbis na sa larong pinoy.

Base sa aming pangangalap ng impormasyon, napatunayan namin na marami na ang nakalimot sa sariling atin.

Hindi naman maiiwasan ang paglalaro ng mga makabagong laro ngayon dahil ang mahalaga ay may tamang pagkontrol sa sarili, matalas na pag-intindi at higit sa lahat ay ang disiplina sa sarili. Hangad lamang ng aming grupo na huwag kalimutang tangkilikin ang mga larong pinoy.


REFERENCES:

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=10_Pinakasikat_na_Larong_Tradisyunal_ng_Pilipino

https://blographics.wordpress.com/laro-ng-lahi/

https://kritikongkiko.wordpress.com/2011/02/23/top-10-na-tradisyunal-na-larong-pambata/

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply

Shopping cart